SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY
PhP3-K quarterly cash assistance para sa seniors aprubado ng Cebu City council

3/7/26, 7:45 AM
Ni Samantha Faith Flores
Nagdesisyon ang konseho ng Cebu City na ibalik ang quarterly release ng tulong pinansyal na tulong na PhP1,000 kada buwan sa mga kwalipikadong senior citizens sa siyudad.
Ang mga benepisaryo ng cash assistance ay tatanggap na ng PhP3,000 bawat buwan bilang kabuuan ng subsidiya ng bawat isa sa loob ng tatlong buwan.
Sa panukalang ordinansa na ini-akda ni Konsehal Pastor “Jun” Alcover Jr., may humigit-kumulang na 100,000 kwalipikadong senior citizens ang makikinabangsa tulong ng lokal na pamahalaan.
Umaasaang mga konsehal na ang panukala ay pipirmahan ni Mayor Nestor Archival bilang ordinansa.
Layunin ng bagong regulasyon na maging transparent, bukas at higit na mabilis ang programang tulong sa mga nakatatandang residente ng siyudad.
Magkakaroon na ng barangay level payout upang masiguro ito.
Sa regulasyon: magkakaroonng advance notice kung saan pagbibilinan ang mga pamahalaang barangay ng parating na cash distribution isang linggo bago isatupad ito.
Kung sa loob ng sampung araw ay hindi nakuha ng benepisaryo ang cash assistance ibabalik ng barangay sa City Treasurer’s Office ang pera at ibabalik ito sa General Fund ng lokal na pamahalaan.
Sisiguruhin din ng ordinansa na walang maiiwanan sa mga kwalipikadong senior citizens.
Para sa mga bedridden na seniors, pupuntahan sila ng barangay coordinators upang dalhin ang kanilang ayuda.
Sakali naman mamatay ang tatanggap ng tulong, ang malapit na kapamilya ay matatanggap pa rin ang pera. Kailangan lamang matanggap na nila ito sa loob ng sampung araw.
Dati nang quarterly ang payout ngunit kasalukuyan ito ay naging monthly.
