top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

PhP1,000 universal pension hindi kaya ng gobyerno; ibinaba sa PhP500

2/24/26, 8:08 AM

Ni Samantha Faith Flores

Bad news sa lahat ng mga senior citizens.

Sa halip na PhP1,000, ibinaba sa PhP500 ang inirekomendang buwanang pension sa ilalim ng panukalang Universal Social Pension Law na nakabinbin pa sa Mababang Kapulungan.

Dagdag na malungkot na balita, hindi pa pala naipasa ng Committee on Senior Citizens ang consolidated bill ng 25 panukalang batas na nagmumungkahi ng USP law.

Sa hearing na isinagawa ng senior citizens panel nitong Martes (Peb.24), nagkaisa ang mga mambabatas na ibaba sa PhP500 mula sa PhP1,000 ang ipagkakaloob na buwanang pensioin sa lahat ng senior citizens.

Dati nang nagkasundo ang committee sa PhP1,000 pensyon ngunit bantulot ang Committee on Appropriations na irekomenda ang pag-apruba sa consolidated bill dahil sa agam-agam na ipinabatid ng Department of Budget and Management.

Dahil dito nagpasya si Aquino-Magsaysay na hugutin muna ang bill mula sa appropriations panel upang muling iharap sa mga kasapi ng kanyang komite.

Ayon kay Magsaysay nirekomenda ng DBM na kunin din ng mga mambabatas ang opinyon ng Department of Finance.

“The DBM Position paper, which was received by this Committee on January 13, 2026, specifically noted that a substantial budgetary allocation would be required to cover all senior citizens, including those not currently receiving any foirm of pension under a proposed Universal Social Pension Program,” paliwanag ng kongresista.

Malinaw na ang malaking pangangailangan ng pinansyal na suporta mula sa pamahalaan ang nagbibigay ng pangamba sa DBM na irekomenda ang pagpasa ng batas.

Ito ang nagtulak sa mga mambabatas na ibaba sa PhP500 ang panukalang buwanang pensyon.

“While we fully support the noble intent of expanding assistance to our elderly population, we must likewise ensure that the measure is fiscally responsible and capable of withstanding scrutiny during plenary deliberations and in bicameral discussions,” ayon kay Aquino-Magsaysay.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page