SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY
PhilTranCo wawakasan ang 111 taong serbisyo sa Marso

Ngayon at noon—pagwawakas ng mahigit isang siglong legasiya ng PhilTranCo. (Photo supplied)
2/14/26, 10:24 AM
Ni Tracy Cabrera
EDSA, Lungsod ng Pasay — Sinuma ang desisyon ni Philippine Transportation Company (PhilTranCo) president at chief-executive-officer Manuel Sabban sa tatlong simpleng kataga: "Serious business losses."
Makaraan ang mahigit isang siglo't is and dekadang commuter service, sumapit na sa 'end-of-the-road' ang pinakamatandang bus line sa bansa sa desisyon ng management nitong ipatigil na ang kanilang operasyon sanhi ng "extreme financial difficulties."
Sa liham para sa ilang daang empleyado ng kompanya na may petsang Pebrero 2, 2026, inanunsyo ni Sabban ang pagsasara epektibo sa Marso 30 ng kasalukuyang taon.
"Ito, Makaraan ang 111 taon," wika ng isa sa mga tsuper ng kompanya na luhaan ang mga mata.
Sa kahilingan huwag nang banggitin ang kanyang pangalan, sinalaysay niya mahigit 20 taon siyang nagtrabaho sa PhilTranCo.
"Driver din ang tatay ko rito at noong pumanaw siya, ako ang nagmana sa puwesto niya (My father was also a driver here and went he passed away, ay inherited his position)," dagdag niya.
Sumalamin ang kanyang kalungkutan sa pagtigil ng operasyon ng PhilTranCo sa mahabang kasaysayan ng kompanya na inilarawan din ng presidente nito sa masalimuot na pangangasiwa nito.
"For years, we have fought an uphill battle to keep our wheels turning. However, due to serious business losses, we can no longer sustain our business operations," tinukoy ni Sabban sa Ingles
Sinaluduhan niya ang kanilang mga tsuper, konduktor, maintenance at office staff sa kanilang hard work and dedikasyon sa kanilang trabaho.
"Philtranco is more than a bus line; it is a century long legacy built on your sweat and dedication," aniya.
Sinimulan noong 1914, kilala ang PhilTranCo bilang ang bus company na mayroong nationwide public transport franchise sa 250 bus nitong nagsisilbi sa milyong pasahero sa buong bansa—mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) hanggang sa malayong Davao City sa Mindanao at iba pangmga rota.
"We are not only the oldest bus operator in the Philippines but also in Asia," pinunto ng may pagmamalaki ni Sabban.
Ayon sa website ng kompanya, na ang Facebook profile photo ay pinalitan kamakailan sa darker shade—symbolizing its closure—may mahigit 100 destinasyon ang PhilTranCo nationwide at 200 daily trip bukod sa pagseserbisyo sa mahigit isang milyong "happy" passengers.
"We combine decades of experience with modern amenities to give you the best travel experience," saad sa website.
