top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

OSCA ng Manila, QC pinakamabagal mag-proseso ng centenarian benefits

3/11/26, 10:30 AM

Ni Joyce Sabado

Ang Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Manila at Quezon City ang magkasunod sa pinakamabagal sa pag-proseso ng mga aplikasyon ng mga senior citizens para makakuha ng centenarian cash benefits.

Ito ay napag-alaman ayon sa obserbasyon ng source mula sa National Commission of Senior Citizens ng national capital region (NCR).

“Madalas po kasi mayroon mga problema ang ipinadadala sa amin na na-proseso nang mga application ng beneficiaries ng Expanded Centenarian Act (ECA),” ayon sa source.

Inamin din niya na marami rin insidente kung saan nagpa-follow up sa NCSC ang mga aplikante para sa PhP10,000 cash gift sa pag-aakalang nakarating na sa NCR office ang kanilang application.

“Kapag hinanap namin, doon na lang madidiskubre na wala pa pala sa amin mga papeles,” dagdag ng source.

Bago ito, nagpasa ang Marilag Senior Citizens Association ng Resolution No. 0001 na tumuligsa sa “sobrang atrasadong pamimigay ng cash gift” para sa mga benepisaryo ng ECA.

Sinabi ng mga lider ng samahan ng may 1,200 senior citizens sa Project 4, QC na maraming kasapi ng MSCA ang naghihintay ng mahabang panahon na higit pa sa itinatadhana ng batas bago makuha ang kanilang PhP10,000 cash gift.

Ayon sa ECA, makatatanggap ng cash gift na PhP10,000 ang mga senior citizens na nagdiwang ng kanilang ika-80, 85, 90 at 95 na kaarawan. Sa implementing rules and guidelines, ang pag-proseso ng application ay mula apat hanggang anim na buwan.

“May pangamba ang MSCA na marami sa mga aplikante para sa ECA ay maaaring pumanaw o magkaroon ng karamdaman ng hindi man lang natikman ang benepisyo para sa kanilang kaarawan,” paliwanag ng samahan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page