top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

OFW namatay sa missile attack habang inilalayo sa peligro ang alagang senior citizen

3/2/26, 8:30 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Dinakila bilang bayani ng mga bansang Israel at Pilipinas ang isang overseas Filipino worker na nasawi sa missile attack habang inaalalayan ang kanyang alagang senior citizen na makaligtas sa bomb shelter sa Tel-Aviv, nitong Sabado (Peb. 28).

Agad naman umapela ang pamilya ni Mary Ann De Vera na maibalik ang kanyang mga labi sa kanilang lugar sa Basista, Pangasinan.

Nangako ang Overseas Workers Welfare Administration at Department of Migrant Workers na mamadaliin nila ang paghahatid ng impormasyon at tulong sa naulilang pamilya.

Kinilala ng asawa ni De Vera ang mga labi ng kanyang maybahay matapos na siya ay tamaan ng mga shrapnel mula sa Iranian missile na nakalusot sa mga interceptor ng Israel nang magsimula ang malawakang giyera sa Middle East noong Sabado. Isa rin OFW sa Israel ang lalaki.

“Siya po ay isang caregiver na tintutulungan ang kanyang alaga para dalhin sa bomb shelter, ngunit hindi na po nakaabot sa bomb shelterat inabutan na sila bago nakarating,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag ng pangulo: “Siya ay namatay dahila tinamaan ng shrapnel ng mga bumagsak na bomba.”

Hindi nasabi kung ano ang naging kapalaran ng matandang alaga ni De VEra.

Nagpaulan ng missiles ang Iranian military sa Israel matapos na simulan ng mga Israeli at mga Amerikano ang pagbomba sa Tehran at iba pang mga piling targets sa Iran.

Bagamat marami sa mga missiles ang na-intercept ng Israel, ang bombang tumama kinalulugaran ni De Vera ay nakalusot.

Si De Vera ang kauna-unahang na report na casualty mula sa malaking populasyon ng mga Filipino na nasa Middle East, karamihan nagtatrabaho doon.

Sinabi ni Basista Mayor Jolly Resuello Jr. na nakikiusap ang pamilya ng biktima ng digmaan na tulungan silang agarang maproseso ang mga kinakailangan dokumento para sa agarang pag-repatriate ng mga labi niya.

Hindi naman makapangako ang pamahalaan na mapagbibigyan ang pamilya sapagkat isinara ang halos lahat ng airport sa Middle East, kasama ang Israel.

Patuloy naman ang bakbakan ng mga pwersang US-Israel at Iran kahit namatay na si Iranian supreme leader Ali Khamenei matapos magsagawa ng precision missile attack ang US at Israel sa kanyang pinagtataguan sa Tehran.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page