top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

Ninakaw na ambulansya sanhi ng pagkamatay ng nasaksak na senior citizen; $40-M danyos hiniling

Photo from New York Post

3/12/26, 10:04 AM

Naghabla ang pamilya ng isang 68-anyos na lalaking sinaksak at namatay nang nakawin ang ambulansiyang magdadala sana sa kanya sa ospital.

Hiniling ng pamilya ni Reinaldo Jesus LeFonts na pagbayarin ng korte ang munisipyo ng Downey sa California ng $40 million dahil sa pagkamatay ng senior citizen noong Setyembre 2025.

Pinakakargahan ni LeFonts ang kanyang Tesla sa labas ng Downey Library nang atakihin siya ng saksak ni GiovanniNavarro, 23.

Agad naman nakatawag ng saklolo ang mga saksi at dumating nga ang isang ambulansya para itakbo ang biktima sa ospital.

Sa kasamaang palad, na-carnap naman ang nasabing ambulansya ng isang pang suspek, si Nicholas DeMarco, 52.

Nangyari ang pagtakbo sa ambulansya ng Downey Fire Department habang binibigyan ng first aid ang sugatang LeFonts.

Dahil dito namatay si LeFonts na nagtamo ng mga saksak sa leeg, ulo at sa kamay.

Kamakailan lang nagpasya ang pamilya ng biktima na kasuhan ng damages ang lokal na pamahalaan dahil sa umanoy pagkabigo nitong mabigyan ng sapat na seguridad kay LeFonts.

Ayon sa pamilya, dapat din magbayad ng danyos ang Downey sa pagkukulang nitong makapag-bigay ng dagliang emergency response sa senior citizen.

Napuna ng mga naghabla na walang anti-theft locking device ang rescue vehicles ng munisipyo bagamat ito ay ipinaguutos sa batas.


Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page