top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

Lacson bill: Kulong at multa laban sa anak na magpapabaya sa elderly parents

Photo from www.e-medical.it

7/15/25, 11:11 AM

Ni Samantha Faith Flores

Hanggang sampung taong pagkakakulong ang kakaharapin ng mga anak na hindi kakalinga sa mga magulang na senior citizens na nangangailangan ng suporta sa buhay, ayon sa panukalang batas ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Sa ilalim ng bill na “Parents Welfare Act of 2025”, magiging pananagutan ng anak ang kanilang mga magulang, higit kung ang mga matanda ay nangangailangan na ng tulong.

Ang panukala ay dati nang inihain noong nakaraang Kongreso.


Ipinaliwanag ni Lacson na layon ng panukala niya na palakasin ang pagkakaisa ng pamilyang Pilipino. Dapat tiyakin na susupporta ang mga anak sa kanilang mga magulang higit sa lahat sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Aminado si Lacson na sa Family Code itinatakda na legal na obligasyon ng mga anak ang suportahan ang mga nakakatanda. Ngunit hindi sapat ang mga probisyon nito na siguraduhin ang pangangalaga ng mga senior citizens higit pa ang mga hindi kayang suportahan ang kanilang sarili.

Sa kanyang panukala, maaaring magsampa ng petisyon sa korte ang isang magulang na nangangailangan ng suporta. Sa petisyon, maaaring hilingin ng nakatatanda na magpataw ang hukuman ng obligasyon sa anak upang siguruhin ang pag-aalaga sa nangangailangang magulan.

Sa explanatory note ng panukalang batas, ipinaliwanag ni Lacson na taos sa mga Filipino ang pagkakaroon ng tinatawag na “close family ties”.

“However, even with this close family ties, there are cases of elderly, sick and incapacitated parents who were abandoned by their own children,” ayon sa nagbabalik na senador.

“Nowadays, the sights of abandoned elderly in our streets become typical. Children fail to p;rovide the necessary support to their aging, sick and incapacitated parents,” dagdag ni Lacson.

Sa naunang bill, nagtatakda ng parusang pagkakakulong ng mula anim hanggang sampung taon at multa na hindi bababa sa PhP300,000 sa mga napatunayang nagkasala.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page