top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

Inilunsad “Isang Milyong Lagda para sa Matatanda” suporta sa universal social pension bill

3/19/26, 11:33 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Pormal na inilunsad nitong Huwebes (Marso 19) ang “Isang Milyong Lagda para sa Matatanda” upang ipanawagan ang agarang pagsasabatas ng universal social pension para sa lahat ng senior citizens sa bansa.

Sa pangunguna ng Committee on Senior Citizens ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, inaasahan ang agarang pagkalap ng isang milyong lagda para ipaalam ang malakas na suporta sa nasabing panukala.

Nakabinbin pa sa kasalukuyan sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing bill.

Sa Mababang Kapulungan, nagkaisa ang mga senior citizens panel na ibaba sa PhP500 mula sa PhP1,000 ang inilagay na probisyon ng pinagkaisang bill na inaprubahan na ng komite.

Ayon kay United Seniors Partylist Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, ang bill ay naibaba na sa Committee on Appropriations upang pag-aralan nito ang kakailanganin badyet sa pagpapatupad ng batas sakaling ito ay maaprubahan.

Pinasalamatan ni Aquino-Magsaysay ang mga mambabatas na nnag-akda ng 29 na panukalang batas upang mabiyayaan ng buwanang pensyon ang lahat ng senior citizens.

Umaasa si Aquino-Magsaysay ng malakas na suporta sa maraming kasapi ng Kamara upang makakalap ng lagda ng suporta para sa bill.

Suportado rin sa nasabing bill ang National Commission of Senior Citizens na pinangungunahan ni Chairperson Merceditas Gutierrez.

Hinangaan naman ng maraming senior citizens organization ang mga batang kongresista na sina Reps. Timothy Joseph E. Cayton (Nueva Viscaya) ; Gerald Cloyd Alexis Galang (Valenzuela City); Aniela Tolentino (Tagaytay City);

Rosalie Salvame (Palawan); Lordan Suan (Cagayan de Oro City) at Mike Tan (Quezon) dahil sa pag-akda nila ng universal social pension bills.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page