SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY
Dating Prince Andrew dinampot ng London police kaugnay ng Epstein sex files

Photo from yahoo.com
2/20/26, 5:56 AM
Inaresto ng pulisya sa London ang dating Prince Andrew Mountbatten-Windsor, 66, na umanoy pagkakasalang misconduct in public office.
Pinalaya rin noong Huwebes, ilang oras na siya ay i-detine at sumailalim sa interogasyon ukol sa mga naging kaso ng nahatulang sex offender na si Jeffrey Epstein noong 2010.
Bagamat hindi umamin ang Thames Valley Police na ang kanilang inaresto ay ang popular na paboritong anak ng yumao nang Queen Elizabeth II, nagpahayag naman ang istasyon na ang dinakip nila ay isang lalaking nasa may edad na 60 anyos o pataas.
Nagdiwang ng ika-66 na kaarawan ang dating prisipe noong nakaraang linggo.
“Following a thorough assessment, we have now opened an investigationinto the allegation of misconduct in public office,” ayon sa pahayag ng pulisya.
Dagdag pa nito: “It is important that we protect the integrity and objectivity of our investigation as we work with our partners to investigate this alleged offense.”
Si Mountbatten-Windsor ay nakababatang kapatid ni King Charles III. Makailan ulit na niyang pinahayag na wala siyang ginawang mali sa kanyang pakikipagugnayan kay Epstein.
Lumikha ng malaking eskandalo ang pagdampot kay Mountbatten-Windsor na kinilala noon bilang isang bayani sa digmaan at paborito ni Queen Elizabeth II.
Ngayon lamang nangyari sa modernong panahon na isang miyembro ng British royal family ay maaresto at masangkot sa umanoy paglabagsa batas.
Noong 1649, binitay si Charles I sa salang treason noong English Civil War.
