top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

Daily multivitamins pinababagal ang pagtanda ng mga senior citizens - medical research

3/10/26, 8:09 PM

By Joyce Sabado

Bumabagal umano ang pag-edad ng mga nakatatanda sa araw-araw na pag-inom ng multivitamin supplement sa loob ng dalawang taon.

Ito ang lumabas sa analysis ng mga imbestigador ng Mass General Brigham na base sa Estados Unidos.

Sa pag-aaral na isinagawa sa tulong ng 958 na malulusog na indibidwal na may edad na malapit sa 70, na-analisa ang blood samples ng mga sumali sa research.

Sa loob ng dalawang taong pag-inom araw araw ng multivitamins bumagal umano ang kanilang biological aging ng mga apat na buwan.

Magkaiba ang chronological age na sumusukat ng panahon na dumaan simula na ipanganak ang isang tao kumpara sa biological age na sumasalamin sa tinatawag na wear and tear ng katawan.

Hindi laging nagkakapareho ang chronological age at biological age. Kung minsan, ang isang taong 50 anyos ayon sa chronological age ay maaring magtaglay ng biological age na 47 o 54 depende sa genetics, lifestyle habits at kondisyong medikal.

Sa katapusan ng pag-aaral umalabas na sa loob ng 24 buwan, tumanda lamang ng 20 buwan ang mga multivitamin takers.

Isinagawa ang research sa tulong ng epigenetic clocks o aging clocks na nakapagtatantiya ng biological aging base sa malilit na pagbabago sa DNA ng isang tao.

Ang bawat isa sa kasali sa research ay binigyan bawat araw ng iba’t ibang klase ng supplement: cocoa extract at multivitamin; cocoa extract at placebo; placebo at multivitamin o kaya placebo lamang.

Naging konklusyon ng mga gumawa ng pananaliksik na kung ikukumpara sa mga uminom lamang ng placebo, ang mga nabigyan ng araw-araw na multivitamin ay nakaranas ng pagbabagal ng lahat kanilang ng limang epigenetic clock, kasama ang malaking pagbagal ng dalawang orasan na nakapagsasabi ng kamatayan.

Ang mga pagbabago ay katumbas ng humigit kumulang apat na buwan o mas mababang pagtanda ng katawan sa loob ng dalawang taon.

Napagalaman din na ang mga taong higit na matanda ng katawan kaysa sa kanilang aktwal na edad simula ng pananaliksik ay nakaranas ng pinakamalaking benepisyo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page