top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

Babaeng nanakit sa 75-anyos na lolo hinatulan ng pagkabilanggo

Photo from syracuse’s

2/21/26, 6:55 AM

ROCHESTER, New York - Hinatulang ng pagkabilanggo ang isang babae matapos aminin na binalya niya ang isang 75-anyos na lalaki na naging sanhi ng mga sugat sa biktima.

Limang taon probation at sampung linggong kalaboso na sisimulan sa Marso 6 ang iginawad na hatol ng korte matapos na aminin ni Toni Palermo ang nagawa niyang pananakit kay James Spampinato.

Sa ilalim ng probation, hindi na makukulong si Palermo ngunit regular siyang dapat mag-report sa awtoridad.

Nakunan ng surveillance video noong Agosto, 2025 ang ginawang pananakit ni Palermo sa septuagenarian.

Ayon sa mga tagausig, nakita sa CCTV clip na matapos na bumaba si Palermo sa kanyang sasakyan ay bigla na lang niyang itinulak si Spampinato na bumagsak sa lupa. Nangyari ang insidente sa parking lot sa Culver Road sa Rochester.

Ikinagalit umano ni Palermo ang pagbubusina ng lolo upang alertuhin ang mga tao na magpaparada sa bakanteng parking space.

Sa paglilitis, ikinuwento ng mga miyembro ng pamilya ni Spampinato kung matinding epektong emosyonal at pisikal na naranasan niya matapos ang insidente.

“It was a life-changing act of violence. Justice is served. It’s been served for him. For our entire family,” palliwanag ni Crista, anak ng biktima, matapos ang paghahatol ng korte kay Palermo.

Sa kanyang pahayag sa korte na binasa ng kanyang abogado, sinabi ni S”pampinato na hirap na siyang makakilos at umaasa na lamang siya sa mga mahal sa buhay upang makakilos.

Matapos na umamin sa kasalanan, dineklara ni Palermo sa korte na wala siyang intensyon saktan si Spampinato.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page