top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

Ambulance driver iniimbestigahan sa misteryosong pagkamatay ng limang senior citizens

3/5/26, 8:05 AM

Ni Samantha Faith Flores

ROME, Italy - Iniimbestigahan ng pulisya ang isang 27 driver ng ambulansya na pinaghihinalaang pumatay sa may limang senior citizens habang ang mga ito ay inililipat sa ospital dahil sa mga malalang karamdaman.

Napansin ng mga imbestigador na ang limang biktima ay pawang namatay dahil sa cardiac arrests.

Ang lahat sa mga namatay sa magkaka-ibang araw ay pawang mga nakatatandang Italyano at dumaranas ng iba’t-ibang malalang karamdaman.

Ngunit ayon sa mga pulis, hindi seryoso ang kanilang mga kondisyon nang nakasakay sila sa non-emergency ambulance upang ihatid papunta sa kani-kanilang mga tahanan o nursing homes patungo sa ospital at klinika at pabalik.

Apat sa mga biktimang matatanda ay pumanaw sa pagitan ng Pebrero at Nobyembre, 2025.

Nagkaroon ng duda ang kumpanya ng ambulansya at nagsabi sa awtoridad nang mapag-alaman na bawat isa sa apat na inilulan sa kanilang sasakya ay namatay habang inihahatid sa kanilang tahanan o nursing homes o sa ospital.

Sa tulong ng mga pulis, nag-setup ang ambulance service ng hidden camera upang i-record ang mga nangyayari sa loob ng ambulansya.

Kalaunan ay namatay ang ika-limang pasyente na isang 85 anyos na babae habang itinatakbo ng ambulansya mula sa ospital patungo sa rehab center.

Ayon sa pulisya namatay sa cardiac arrest ang lola habang nasa loob ng ambulansya.

Ang pinaghihinalaang ambulance driver ay isa sa dalawang magkarelyebo sa pagmamaneho ng ambulansya para sa kumpanya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page