SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY
Action icon Chuck Norris pumanaw isang linggo matapos ang ika-86 kaarawan

Photo from tvovermind.com
3/21/26, 5:10 AM
Ni Annietha Faye Mar
Pumanaw ngayon Biyernes (Marso 20) si Chuck Norris, isang iconic Amerikanong action star na sumikat sa mundo, pati sa PIlipinas, dahil sa kanyang husay bilang martial arts. Siya ay 86.
Namatay sa isang ospital sa Hawaii ang dating sparring mate ng kung fu star Bruce Lee.
Ilang araw pa laman siyang nagdiwang ng ika-86 na kaarawan nang isinugod siya sa ospital ng kanyang pamilya sa Kauai nitong Huwebes.
“I don’t age. I level up. I’m 86 today!,” pahayag ni Norris sa kanyang Instagram post noong Marso 10 habang nakikipag-spar sa isang martial arts instructor.
Dagdag pa niya noon: “Nothing like some playful action on a sunny day to make you feel young.”
Sa pahayag ng pamilya sa pangunguna ng kanyang asawa Gene O’Kelley, malungkot na ipinahayag ang pagyao ni Norris na may tunay na pangalan na Carlos Ray NOrris mula sa Ryan, Oklahoma.
“To the world, he was a martial artist, actor and a symbol of strength. To us, he was a devoted husband, a loving father and grandfather, an incredible brother and the heart of our family,” ayon sa pamilya.,
Dagdag nila: “ He lived his life with faith, purpose and an unwavering commitment to the people he loved. Through his work, discipline, and kindness, he inspired millions around the world and left a lasting iimapct on so many lives.”
Nakilala si Chuck bilang pinakamatinding kalaban sa martial arts ng alamat na si Bruce Lee noong 1972 sa pelikulang “The Way of the Dragon.”
Matapos ito, pumaimbabaw din ang husay ni Norris bilang bida sa maraming action flick dahil na rin sa kanyang talento sa martial arts. Naging black belt siya sa judo, Brazilian Jiu-Jitsu, Karate, Taekwondo, Tang Soo Don at Chun Kuk Do
Ilan sa mga pelikula niyang hinangaan mula sa apat na sulok ng mundo ay ang “Missing ins Action” (1984); “The Octagon” (1980); “The Delta Force”; “Firewalker” (1986); at “Code of Silence” (1985).
Bago siya mag-retire, lumipat siya sa telebisyon at naging bida sa series na “Walker, Texas Ranger.”
