top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

75-anyos choir singer patay sa sunog; tinangkang isalba ang pondo ng simbahan

Photo from newsinfo.inquirer.net

Ni Samantha Faith Flores

MALOLOS, Bulacan - Sa kagustuhang isalba ang koleksyon ng simbahan sa loob ng kanyang nasusunog na bahay, namatay ang isang 75-anyos na senior citizen sa isang sunog sa Paombong, Bulacan.

Kasapi ng choir sa simbahan ng Santiago Apostol ang biktimang si Josephine Pineda.

Namatay siya nang tinangka niyang isalba ang koleksyon ng simbahan na ipinagkatiwala sa kanya.

Isa ang bahay ni Pineda sa apat na gusaling nasunog sa sunog noong Martes (Marso 10) na naireport pasado alas-10- ng umaga.

Bagamat kulang sa isang oras lamang ang itinagal ng sunog, apat na bahay sa compound ng pamilya ni Pineda ang nasunog.

Ayon sa mga bumbero, mabilis ang pagkalat ng apoy sapagkat gawa sa light materials ang mga naapektuhang istruktura.

Sinabi ni Cristina Bagas, pamangkin ng biktima, na nakalabas na ang kanyang tiyahin sa bahay nang maisipan nitong bumalik sa loob ng nasusunog na gusali upang isalba ang koleksyon ng simbahan.

Pinigilan si Pineda ng kaanak ngunit hindi nagpapigil ang senior citizen na kasapi ng Marian Choir ng simbahan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page