top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Umabot sa PhP 370-M ang ibinayad para sa No. 8 jersey ni Kobe Bryant

Umabot sa PhP 370-M ang ibinayad para sa No. 8 jersey ni Kobe Bryant

4/28/25, 12:21 PM

Tumataginting na US $7 milyon o PhP370 milyon ang ibinayad sa isang jersey ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant sa isang subasta noong Huwebes (Abril 24).



Ang bilihan ang nakapagtala ng pinakamalaking record sa isang memorabilya na mula sa Black Mamba na pumanaw matapos ang helicopter crash noong 2020. Kasama sa nasawi ang kanyang 13-taon gulang na anak na si Gianna at pitong iba pang pasahero.


Ang nabiling jersey ay isinuot ni Kobe sa kanyang NBA debut bilang isa sa pinakabatang basketbolista na nakapasok sa prestihiyosong basketball competition.

Nilagpasan ng US$ 7 milyon sale ang dating naibenta sa subasta na jersey na may pirma ni Kobe.

Sa halagang US 5.85 milyon naiuwi ng nanalo sa subasta ang jersey na isinuot ng isa sa pinakasikat na NBA player noong mapanalunan niya ang Most Valuable Player Award noong 20007-08 NBA season.

Ayon sa Sotheby’s auction house, ang pinakamahal na jersey na naibenta nito ay ginamit ni Bryant sa kanyang debut bilang professional player ng NBA noong 1996-97.

Ang hinangaang player ay 18 anyos pa lamang noong isuot niya ang dilaw na LA jersey na may numberong No. 8. Ginamit niya ang uniporme noong Nobyembre 3, 1996.

Ayon sa record ng NBA nakapaglaro lamang si Bryant ng anim na minuto at hindi nakapuntos bagamat may isang attempt na ginawa. Kalaban nila noon ang Minnesota Timberwolves.

bottom of page