

SPORTS
Alex Eala nag-record ng kasaysayan sa tennis, lusot sa next round ng US Open

Photoo from gmanews
8/25/25, 12:46 PM
Nakaligtas ang tennis star ng Pilipinas na si Alex Eala laban sa world No. 14 na si Clara Tauson ng Denmark, 6-3, 2-6, 7-6 (13-11), sa unang round ng kanyang US Open debut nitong Lunes ng madaling-araw (oras sa Pilipinas) sa Flushing Meadows, New York.
“It’s so special,” Napakaespesyal,” sabi ng world No. 70 na si Eala, matapos makatanggap ng mainit na palakpakan mula sa mga manonood sa Grandstand.
“They make me more and more special. to be Filipino is something I take so much pride in,”ayon sa dalaga.
Dagdag niya: “Wala akong home tournament, kaya napakalaking pasasalamat ko na magkaroon ng komunidad dito sa US Open. Pinaramdam nila sa akin na parang nasa bahay lang ako.”
Gumawa ng kasaysayan si Eala bilang kauna-unahang Pilipinong laki sa bansa na nakapasok sa ikalawang round ng US Open.
Binigyan niya ng pasasalamat ang karamihan sa audience, kasama ang ilang mga Pilipino, na nagpakita ng malaking suporta sa kanya at nag-cheer sa bawat puntos na nakakamit niya laban sa Danish tennis star.
Makakaharap ni Eala ang magwawagi sa laban ng world No. 95 na si Christina Bucsa ng Moldova at ng American qualifier na si Claire Liu, na kasalukuyang No. 317 sa mundo.
Noong nakaraang Marso sa Miami Open, tinalo ni Eala ang ilang Grand Slam champions – sina Jelena Ostapenko ng Latvia, Madison Keys ng Amerika, at Iga Swiatek ng Poland – upang makarating sa semifinal round, ngunit natalo kalaunan kay Jessica Pegula ng Amerika, 6-7 (3), 7-5, 3-6.
Si Eala, na nagtapos sa Rafael Nadal Academy, ay nagwagi ng US Open junior girls' singles title noong 2022.
