top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Walang iregularidad sa pag-remand sa impeachment case, ayon sa Senate spox

Walang iregularidad sa pag-remand sa impeachment case, ayon sa Senate spox

6/14/25, 1:27 PM

Walang iregularidad sa desisyon ng Senate impeachment court na ibalik sa Kamara de Representante ang Articles of Impeachment laban kay Vice Presidnt Sara Duterte, ayon kay impeachment court spokesperson Reginald Tongol.

Sa isang panayamsa mga mamamahayag, sinabi ni Tongol na isang abogado nag isang “action of liberality” ang ginawa ng Senado sa halip na gamiting ang kapangyarihan nito upang ibasura ang kaso na isinampa kay Duterte.

Idiniin niya na ito may mga constitutional issues na pinuna ang ilang senador laban sa isinampang kaso.

“So walang impropriety doon, it is normal in a collegial judicial body na ganoon na nangyayari because one of the powers, inherent powers of any court is to look into the face of the documents, the complaint itsel and see if there are defects in that document,” paliwanag ni Tongol.

Ito ang naging paliwanag ng spokesperson ng impeachment court sa puna ni dating Senate president at Senator-elect Vicente “Tito” Sotto III na ang naging desisyon umano ng mga senador ay “flawed” dahil hindi umano puwedeng magsampa ng “motion” ang mga senator-judges na ginawa ni Senator-judges Ronald Bato dela Rosa at Alan Peter Cayetano.

Ipinaliwanag ni Sotto na hindi abogado na ang tanging may kapangyarihan upang kwestiyunin ang impeachment case ay ang mga kampo taga-usig at tagapagtanggol.

Ayon naman kay abogado Christian Monsod, isa sa mga nagsulat ng 1987 Saligang Batas, bilang isang impeachment court, ang Senado ay nagkamali sa desisyon nitong ibalik sa Mababang Kapulungan ang impeachment case sapagkat wala naman silang responsibilidad upang alamin kung nagkaroon ng paglabag sa Constitution.

Idiniid ni Monsod na ang Korte Suprema lamang ang tanging may kapangyarihan upang mag-deklara kung ang kasong iniharap ay hindi naaayon sa Saligang Batas.

bottom of page