

VP Sara sa Senado: Dapat nang ibasura ang impeachment complaint

VP Sara sa Senado: Dapat nang ibasura ang impeachment complaint
6/24/25, 10:11 AM
Pormal na hiniling ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court na tuluyan nang ibasura ang impeachment complaint na isinampa laban sa kanya ng House of Representatives.
Sa kanyang sagot sa articles of impeachment na handa nang dinigin ng Senado, sinabi ni Duterte na ang pagsampa ng reklamo laban sa kanya ay paglabag sa Article XI, Section 3, paragraph 5 ng 1987 Constitution.
Sa nasabing artikulo ng Saligang Batas, idineklara na isang impeachment proceedings lamang laban sa isang opisyal ang maaaring isampa sa loob ng isang taon.
Ayon kay Duterte ang isinampang impeachment complaint ay ikaapat nang katulad na kaso sa loob lamang ng isang taon.
Tumanggap ang Kamara ng katulad na sagot ni Duterte at ito ay dapat naman sagutin ng mga kongresista sa loob ng limang araw.
Ang articles of impeachment ay sinang-ayunan ng 251 miyembro ng Mababang Kapulungan bago mag-congressional break noong Pebrero at pinadala sa Senado sa mismong araw na magsimula ang recess.
Ang tatlo pang impeachment complaints ay isinampa ng iba’t-ibang complainants simula Disyembre 2025. Ang mga ito ay isinantabi muna ng Kamara.
Sa kanyang sagot, hinimok ni Duterte ang Senado na ituring na isa lamang “scrap of paper” ang pang-apat na impeachment complaint sapagkat ito ay void ab initio o wala bisa sa simula pa lamang.
“There are no statements of ultimate facts in the fourth impeachment complaint,” paliwanag ng Duterte camp.
“Stripped of its factual and legal conclusions, it is nothing more than a scrap of paper,” ayon sa defense panel.
