

VP Sara: Pokus ng Duterte camp na mapawalang sala si FPRRD

VP Sara: Pokus ng Duterte camp na mapawalang sala si FPRRD
7/21/25, 8:47 AM
Sa gitna ng mga sigaw na “Marcos resign” sa isang “Free Duterte” demonstration sa The Hague, ipinaalala ni Bise President Sara Duterte na kahit pa masibak na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi ito magiging sanhi ng paglaya ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ni Duterte na ang pokus ngayon ng kampo ng dating pangulo ay mapawalang sala ang kanyang ama sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
Nasa The Hague si VP Sara sa kasalukuyan upang madalaw ang kanyang ama na ipinakulong ng International Criminal Court sa Netherlands sa umanoy tulong ng administrasyong Marcos.
“Naiintindihan ko tayong lahat gusto natin mapalayas si BBM sa pwesto kasi wala tayong nakikitang pagbabago o pagtutuloy ng pagbabago na nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na yan ang rason kung bakit natin siya binoto,” sinabi ng ikalawang pangulong.
“Pero kahit man mapalayas natin ang adik na Presidente natin hindi niya - hindi natin mapapabalik si datiuung Pangulong Rodrigo Duterte,” diin niya.
Ayon sa kanya nakipagsabwatan si Marcos sa ICC upang maipakulong ang kanyang ama na dati nang nag-akusa kay BBM na umanoy gumagamit ng ilegal na droga.
Isinakatuparan lamang umano ni Marcos ang plano nitong patahimikin ang kanyang sinundang presidente kaya ito ipinagkanulo sa ICC.
Nahaharap sa kasong crimes against humanity dahil sa umanoy pagpatay sa higit na 30,000 hinihinalang mga drug pusher at mga adik, inakusahan din ni Duterte si Marcos ng umanoy paggamit ng ilegal na droga, higit ang cocaine.
