

VP Sara: Pursigido si BBM na pigilan ang kanyang pagtakbo sa 2028 pres’l race?
.jpg)
VP Sara: Pursigido si BBM na pigilan ang kanyang pagtakbo sa 2028 pres’l race?
6/27/25, 6:08 AM
Pursigido umano si Pangulo Ferdinand Marcos Jr. na pigilan si Bise President Sara Duterte na maging kapalit niya bilang punong ehekutibo sa darating na 2028.
Sa isang interview ng Russian news channel RT, sinabi ni Duterte na ang pag-aresto sa kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang pag-sampa ng impeachment case laban sa kanya ay mga patunay na nais ni Marcos na tanggilin siya bilang kandidato sa 2028 presidential elections.
Inakusahan din ng dating Davao City mayor si Marcos na nagpla-planong sundin ang ginawa ng pumanaw nang dating Pangulo Ferdinand E. Marcos na pananatili sa poder ng pamahalaan nang walang hangganan.
“It is clear from the moves of his administration against political opponents. And in fact, one of his relatives, and this is a personal knowledge of mine, has expressed he wants to run for president,” paliwanag ni Duterte.
Hindi binanggit ni VP Sara kung sino ang kanyang tinutukoy ngunit matagal na niyang itinuring na si House Speaker Martin Romualdez ang nangangarap tumakbo at tinatantiya ng mga political experts na magiging katunggali niya sa pagka-pangulo.
Mag-pinsan buo sina Romualdez at Marcos.
Ayon kay Duterte ang bigong Charter change move na naglalayong palitan mula presidential patungo sa parliamentary form of government ang naging senyales upang umpisahan na ang impeachment laban sa kanya.
Iginiit ni VP Sara na wala pa siyang plano para sa 2028 elections ngunit isasa-publiko niya sa 2026 kung ano man ang kanyang desisyon ukol sa presidential race.
Sinabi ni Duterte sa mga Russian journalists na “politically motivated” ang ginawang pag-aresto ng International CriminalCourt ng kanyang sa tulong ng pamahalaang Marcos.
Ipinaliwanag niya na naging mainit ang administrasyong Marcos laban sa dating pangulo nang magsimula itong maging matatas na kritiko ng kasalukuyang pangulo.
“There are serious allegations and questions about his competency and allegations about drug abuse that came from the former president Duterte. And before his detention, there was a preparation by the former president of a campaign for his senatorial candidates for the PDP his political party,” ayon kay VP Sara.
Dahil sa pagka-aresto, naging malapit na muli ang mag-amang Duterte na matagal na rin nagkatampuhan. Isa sa mga isyu na hindi pagkakaintindihan ay ang pagsuporta ni VP Sara kay Marcos na hindi nagustuhan ng dating pangulo.
