

VP Sara, Escudero at Romualdez nagkaisang dapat protektahan ng mga Pilipino ang kalayaan

VP Sara, Escudero at Romualdez nagkaisang dapat protektahan ng mga Pilipino ang kalayaan
6/12/25, 6:06 AM
Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga Pilipino na labanan ang ‘paglapastangan sa kalayaan” na nangyayari kung ipinagsasawalang bahala ang paghihirap ng pamilyang Pilipino.
Sa kanyang mensahe sa ika-127 selebrasyon ng Araw ng Kalayaan nitong Miyerkules (June 12) ipinahayag ni pangalawang pangulo ang kanyang pakikiisa sa lahat ng mga mamamayan sa pagbibigay ng halaga sa kalayaan ng bawat isa.
Nagbigay din ng kani-kaniyang mensahe sina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Speaker Martin Romualdez.
“Ang Araw ng Kalayaan ay pagkakataon hindi lamang upang ipagdiwang ang ating kalayaan kundi upang paalalahanan din tayo sa ating tungkulin na bantayan, pangalagaan at ipagtanggol ito sa lahat ng panahon,” sinabi ni Duterte sa pamamagitan ng Facebook video.
Dagdag niya: “Paglapastangan sa alaala ng ating mga bayani ang pagyakap sa kultura ng pagka-alipin.”
“Paglapastangan sa diwa ng kalayaan ang pagsasawalang bahala sa paghihirap ng maraming pamilyang PIlipino at ang paglabag sa mga karapatan at sa batas,” paliwanag ni Duterte.
Nanawagan din ang bise presdidente na dapat ipaglaban ang kalayaan sa mga nagtataksil at walang malasakit sa bansa.
Sa kanyang mensahe, idiniin ni Escudero ang pangangailangan ng higit pang matatag na pagkakaisa ng mga Pilipino sa harap ng mga isyung pulitikal na bumabalot sa bansa.
`”Instead of blaming each other or resorting to division, let us advance healing for a brighter future. More than ever, we must unnite to address the needs of our countrymen and promote order and prosperity,” ayon sa senador.
Proteksyon din sa kalayaan ang panawagan ni Romualdez sa kanyang opisyal na mensahe.
