top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Pansariling agenda ni Frasco sa pag-ayaw kay Romualdez isiniwalat ng NUP

Pansariling agenda ni Frasco sa pag-ayaw kay Romualdez isiniwalat ng NUP

6/9/25, 11:48 AM

Pansarilling agenda umano ang nasa likod ng pag-ayaw ni Deputy Speaker Duke Frasco na pumirma sa pinaiikot na manifesto of support para sa patuloy na panunungkulan ni Speaker Martin Romualdez sa pamumuno ng Kamara.

Ito ang sinabi ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, pangulo ng National Unity Party, matapos na magpahayag si Frasco na hindi siya susuporta kay Romualdez.

Ayon kay Villafuerte, tinanggal si Frasco bilang kasapi ng NUP dahil sa pag-ayaw nito sa pagkakaisa ng partido upang panatiliin si Romualdez sa puwesto.

Idiniin nito na ang NUP, kasama ang mga kasapi ng supermajority sa Mababang Kapulungan, ay “four-square behind” sa manifesto of support para sa kasalukuyang lider ng Kamara.

Inakusahan niya si Frasco na tila naghahasik ng hindi pagkakasundo sa partido at ito ang naging dahilan ng kanyang pagkasibak sa NUP.

“So we actually do not know what discord he is talking about,” paliwanag ni Villafuerte.

“Duke seems to be the one advancing his own selfish personal and partisan interest,” ayon sa kanya.

Nais umanong manatili ni Frasco bilang deputy speaker kung kaya ginagawa niyang leverage ang kanyang pag-alis ng supporta kay Romualdez upang makamit ito.

“Duke was expelled last week for sowing disunity and discord himself in making his unilateral move to withdraw support from Congressman Martin in blatant contravention of the NUPs unanimous support for the Speaker to keep his post in the next Congress - and without first consulting our party,” paliwanag ni Villafuerte.

bottom of page