POLITICS
Pagtanggi sa hair follicle test kay Marcos suportado ng SC decision - Malacanang

Photo from GMA News Online
4/15/26, 10:45 AM
Ni Joyce Sabado
Sa kabila ng panawagan ng mga kritiko, hindi magpapa-hair follicle test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang tuluyan nang mapatunayan kung totoo man o hindi ang mga paratang na gumagamit siya ng ilegal na droga.
Dinepensahan ng Palasyo ang ganitong pasya bilang tugon sa petisyon ng United People's Initiative (UPI) sa Korte Suprema na dapat sumailalim si Marcos sa nasabing eksaminasyon upang matapos na ang kontrobersiya .
Ayon kay Palace press officer Claire Castro nagbigay na ng pasya ang Supreme Court tungkol sa pagsisiwalat ng medical records ng pangulo.
Sinabi ni Castro na nag-desisyon na ang korte sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaaring pilitin ang pangulo na isapubliko ang kanyang medical records base sa mga akusasyong hindi naman suportado ng ebidensya.
“Who was the one who started the issue in the first place? Wasn’t it them?” tanong ni Castro bilang depensa sa pangulo.
“So, the Supreme Court has already issued a decision on this matter stating that it is not necessary , nor can a president be compelled to release his medical records,” paliwanag ng opisyal sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules (Abril 15).
Kinabibilangan ng mga retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines, hiniling ng UPI sa SC na mapasailalim ng “noninvasive drug test” ang pangulo upang malaman ng madla ang tunay na kalayagan ng kanyang kalusugan.
Sa pangunguna ni retired Philippine Air Force Gen. Romeo Poquis, nagsampa sa SC ang UPI ng urgent petition for mandamus and/or preliminary mandatory injunction upang pilitin ang Malacanang na ideklara ang tunay na kalagayan ng pangulo sa kabila ng mga ulat na mayroon siyang problema sa kalusugan.
Sinabi rin ng grupo na magsagawa ng hair follicle drug test para kay Marcos upang malaman ang kanyang kalagayan sa kabila ng mga akusasyong matagal na siyang gumamit ng ilegal ng droga.
Sa petisyon, sinabi ng grupo na ang kanilang kahilingan ay naaayon sa 1987 Constitution na nagsasabing: “In case of serious illness of the president, the public shall be informed of the state of his health. The members of the Cabinet in charge of national security and foreign relations and the chief of staff of the Armed Forces of the Philippines shall not be denied access to the president during such illness.”
Paliwanag ng UPI: “We are in times of agonizing national uncertainty and emergency. The Constitution demands transparency (not secrecy) truth (not speculation), and above all, assurance that the President can exercise his powers with a fully capable mind and body.”
