

Pagsibak kay COVID-19 action lady Vergeire nangangamoy pulitika - public health sector
.webp)
Pagsibak kay COVID-19 action lady Vergeire nangangamoy pulitika - public health sector
8/6/25, 10:09 AM
Nangangamoy pulitika ang pagkakatanggal umano kay Health Undersecretary Maria Rosario Clarissa Singh-Vergeire.
Ito ang hinala ng mga lider sa public health habang kinukwestiyon naman ng 50 samahan sa sektor ng pampublikong kalusugan ang dahilan kung bakit sinibak si Vergeire na naging popular noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic na rumagasa sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) nag-aalala ang health sector dahil sa pagsibak kay Vergeire.
“She was not only the face of the pandemic response, but also a model for integrity and good governance in public service,” ayon sa HPAAC.
Napuna ng HPAAC ang tila pag-iwas ng mga opisyal ng DOH na magbigay ng detalye ukol sa dahilang ng pagtanggal kay Vergeire.
“We are therefore deeply concerned over her recent removal, along with other career DOH officials, who have demonstrated competence and dedication,” diin ng HPAAC.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, isang health advocate at dating tagapayo sa Department of Health, ang palitan ng liderato sa kagawaran ay sumasalamin ng nangyayaring tensyon na nahaluan ng pulitika.
“To dismiss her without clear communication from Malacañang, and without the courtesy of a formal citation or recognition from the DOH, is both unjust and demoralizing,” paliwanag ni Leachon.
Pinalitan umano si Vergeire, na isang doktor, ni Randy B. Escolango na isang abogado.
Si Escolango ay hinila mula sa Department of Human Settlements and Urban Development. Naging undersecretary rin siya ng Department of Labor and Employment.
Umani ng negatibong puna ang naging desisyon na ito ng Palasyo na isinagawa tatlong araw pa lamang ang dumaraan.
Si Vergeire ay nagsilbing magsilbi sa public health noong 1996 nang magtrabaho siya sa Marikina City Health Office. Nagbigay siya ng 18 taon sa DOH kung saan siya nagsimula bilang medical office. Kapatid siya ni Supreme Court Associate Justice Maria Filomena Singh.
