top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Pag-upo ni Abante bilang kongresista ipinapawalang bisa sa Korte Suprema

Pag-upo ni Abante bilang kongresista ipinapawalang bisa sa Korte Suprema

7/1/25, 8:38 AM

Naghabol sa Korte Suprema ang kandidato para kongresista sa Maynila na nanalo sa bilangan ng boto ngunit natalo pa rin dahil pinawalang bisa ng Commission on Elections ang kanyang proklamasyon.

Ito ay napag-alaman habang nagdesisyon naman ang Comelec na i-proklama bilang nanalong kandidato ng Unang Distrito ng Marikina City si outgoing Mayor Marcelino Teodoro.

Ngunit nag-protesta pa rin si Teodoro sapagkat patuloy na inaayawang ng Election Board of Canvassers ang kanyang pakiusap na iproklama na siya bilang kongresista.

Samantala, sa petisyon na inihain nitong hapon ng Lunes (Hunyo 30), sinabi ni Luis Joey Chua Uy na dapat ipawalang bisa ang desisyon ng Comelec na ipalit sa kanya si re-electionist Rep. Bienvenido Abante bilang nanalong kandidato sa ika-6 na distrito.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado Gialogo and Associates, na wala nang karapatan ang Comelec na pakialaman ang kanyang kaso sapagkat pormal na siyang naupo bilang kongresista noon tanghali ng Hunyo 30, 2025.

Idiniin ng kampo ni Uy na dapat ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na ang may hurisdiksyon sa anumang protesta hinggil sa kanyang pagka-panalo.

Kinatigan ng Comelec si Abante na nagsabing hindi karapat-dapat si Uy sa puwesto sapagkat siya ay hindi natural-born Filipino at dapat diskwalipikado maging mambabatas.

Ayon kay Uy, nagkamali ang Comelec na pakialaman pa ang protesta ni Abante sapagkat lagpas na sa tinatadhanang panahon ng pagprotesta ang reklamo ng kanyang kalaban.

Samantala, siniguro naman ni Marikina Election Officer Dave Villarosa ang pagtawag sa board of canvassers upang pag-usapan ang certificate of finality na ipinalabas ng Comelec upang i-proklama si Teodoro.

Sa 38-pahinang resolusyon ng Comelec en banc, binaligtad at isinantabi ang desisyon ng First Divisioin noong Dec. 11, 2024 na kanselahin ang certificate of candidacy ni Teodoro.

Binasura ng poll body ang petition ni dating Sen. Koko Pimentel, nakalaban ni Teodoro, na nagkaroon ng “material misrepresentation” si Teodoro sa kanyang inihaing COC.


bottom of page