POLITICS
Kongresistang tumuligsa sa mga anomalya sa Kamara lumaya matapos mag-piyansa ng PhP384K

Photo from INQUIRER.net
4/14/26, 4:00 AM
Ni Annietha Fae Mar
Masayang ibinalita ng mga supporters ni Cavite Rep. Kiko Barzaga na nakapag-piyansa na ang matapang na kongresista para sa cyberlibel cases na isinampa laban sa kanya.
Kinasuhan si Barzaga walong beses na paglabag sa cyberlibel law nina billionaire Enrique Razon at House Deputy Speaker Ronaldo Puno na mga matalik na kaalyado ng yumaong ama ni Barzaga na si dating Rep. Elpidio Barzaga.
Ang matandang Barzaga ay dating pangulo ng National Unity Party na itinayo ni Puno at sinuportahan naman ni Razon.
Naglagak ng PhP384,000 piyansa ang nakababatang Barzaga sa Makati Regional Trial Court Branch 147 nitong Lunes (Abril 13).
Matatandaang sumuko sa pulisya noon Lunes din ang hinahangaang kongresista na matapang na tumuligsa sa mga ma-anomalyang flood control project na umanoy kinasangkutan ng ilang nasa liderato ng Mababang Kapulungan.
Inakusahan siya ni Razon ng paglabag sa Sectijn 4 © ng Republic Act No. 10175 o Cyberlibel Act matapos na ilagay umano ng kongresista sa kanyang social media na sabit ang bilyonaryo sa panunuhol at corruption.
Si Puno naman ay nagsampa rin ng demanda dahil umano sa alegasyon ni Barzaga na tumanggap ang NUP ng suhol mula kay Razon upang suportahan si dating Speaker Martin Romualdez.
