top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Kongresista tinawag ni Moreno na isang “iyakin”?

Kongresista tinawag ni Moreno na isang “iyakin”?

8/26/25, 9:07 AM

Binalikan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mambabatas na tumawag sa kanyang bully matapos na punahin ito ng alkalde sa kanyang umanong ipinatatayong proyekto.

Hindi naman tahasang pinangalanan ni Moreno ang mambabatas ngunit ang pahaging niya ay tumutumbok kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua.

Noong isang linggo, humarap si Moreno sa isang interview at dito niya pinatutsadahan ang mambabatas.

Ayon sa kanya, “umiiyak” ngayon ang kongresista sapagkat na-bisto ang itinatayo umano niyang community center sa Sta. Cruz na walang permit.

Pinakumpiska ng punong ehekutibo ang mga gamit pang-konstruksyon at ipinagpapabayad ng multa ang mga gumagawa dahil sa paglabag ng Building Code.

Sa panayam ng mga reporter, tinawag ni Chua na isang “bully” si mayor at inakusahan mga kalaban laman niya sa pulitika ang iniipit.

bottom of page