

Karera sa pagka-Senate President magiging preview ng resulta ng Duterte impeachment?

Karera sa pagka-Senate President magiging preview ng resulta ng Duterte impeachment?
7/2/25, 1:06 PM
Magiging mahigpit ang isasagawang pagpili ng Senate President para sa 20th Congress at inaasahang maiuugnay ito sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Makakalaban ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ng 19th Congress ang nagbabalik na si Sen. Vicente “Tito” Sotto III na dati nang namuno ng Senado.
Sina dating Senate President Juan Miguel Zubiri at dating Majority Leader Sen. Joel Villanueva na magkagrupo noong ay inaasahang papanig sa kani-kanilang minamanok.
Nagpahayag na si Villanueva na lamang si Escudero sa kampihan at inaasahan niyang makakakuha ito ng 13 sa 24 na posibleng boto upang manatili bilang Senate president.
Ngunit ayon naman kay Zubiri, nakadidismaya ang liderato ni Escudero na tila isang diktadurya.
Matatandaang si Escudero ang naglungsad ng coup noong 2024 upang masibak sa kanyang puwesto bilang Senate President si Zubiri.
Sa pagsusuri ng ilang political observers, maitatali sa kasalukuyang impeachment case ni Duterte ang labanan nina Escudero at Sotto.
Lumulubha ang paniniwalang pumapanig si Escudero sa kinasuhang bise presidente.
Kabaligtaran naman ang ipinakita ni Sotto na naging kritiko ng mga ikinikilos ng tagapangulo ng impeachment court.
Ayon sa mga observers, malaki na ang katiyakang maaabswelto si Duterte sa kaso kung mananalo sa Escudero sapagkat kakailanganin ng 2/3 votes ng mga senador upang siya ay mapatanggal sa puwesto.
“Nangangahulugang 16 na senador ang dapat bumoto para sa conviction at walo lamang para ipawalang sala si Duterte. Kailangan lamang ng 13 boto upang maging Senate President ang sinuman kina Sotto at Escudero,” palliwanag ng political expert na nakiusap na hindi magpakilala.
