top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

House majority leader Sandro Marcos susunod sa kumpas ng Palasyo pagdating sa impeachment?

House majority leader Sandro Marcos susunod sa kumpas ng Palasyo pagdating sa impeachment?

7/28/25, 9:00 AM

Matapos manguna sa pagpirma ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, hindi na makikilahok sa ganitong aksyon si Ilocos Norte Rep. Sandro Duterte kung magiging “hands off” ang pasiya ng Palasyo.,

Bagamat siya na piniling majority leader ng Kamara de Representante na pinangungunahan ng tiyuhing si Speaker Martin Romualdez, susunod naman si Rep. Marcos sa kumpas ng amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sakaling ayawan nito ang isa pang impeachment process laban kay Duterte.

Ngunit hindi pa naman sigurado ang batanga kongresista kung ganito na nga ang kanyang gagawin sapagkat siya ngayon ay majority leader.

Matatandaang noong Pebrero, pinangunahan ni Rep. Marcos ang pagpirma sa impeachment case laban kay VP Sara bagamat nagdeklara ang kanyang ama na hindi ito makikialam sa pagsibak sa kanyang nakasama noong 2022 presidential elections.

“I have to perform a more balanced view. I’m now wearing a different hat so to speak so the answer to that question is I think we just have to wait and see,” paliwanag niya sa mga reporter habang naghihintay ng pagdating ng ama para sa kanyang State of the Nation Address nitong Lunes (Hulyo 28).

Ngunit nalito ang ibang media ng sabihin ni Rep. Sandro: “If the stance of Malacañang is hands off, the I will ahve to be hands off as well.

Si Romualdez ang itinuturong utak sa pagtulak ng impeachment laban kay Duterte na inaasahang makakalaban ng speaker sakaling magpasiya ito na tumakbo bilang pangulo sa 2028.

Nagkaroon ng akusasyong nagpamigay umano ng pondong pang social welfare assistance sa mga kongresistang pumirma ng Articles of Impeachment noong Pebrero. Naglalaro umano mula P50- hanggang PhP150 milyon ang tinanggap ng mga pro-impeachment solons.

Makaraan ang isang buwan inaprubahan ng Commission on Elections ang dating ipinagbabawal na pamimigay ng mga tulong pinansyal sa mga botante. Mula Marso hanggang Abril, patuloy na nagpamudmod ng mga ayuda sa mga boboto noong May 12 mid-term elections.

Ngunit inaasahan hindi na rin matutuloy ang planong pagsibak kay VP Duterte sa pamamagitan ng impeachment sapagkat idineklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang ARticles of Impeachment na inihain ng Kamara sa Senado.

bottom of page