top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Baste, Torre naghahanda na sa Thrilla in Manila II; hotel-casino handang mag-host

Baste, Torre naghahanda na sa Thrilla in Manila II; hotel-casino handang mag-host

7/24/25, 7:21 AM

Isang hotel ang pumayag mag-host ng boxing match na ikinakasa para kina Davao City acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Philippine National Police chief Gen. Nicolas Torre.

Ito ay ayon umano sa isang “credible source” ni Senator Panfilo Lacson na tila excited na Duterte-Torre fight.

Una rito, tinanggap ni Torre ang hamon ng bunsong anak na lalaki ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsuntukan sila. Sinabi niya na kakausapin ang management ng Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City upang doon gawin ang laban na magiging charity event.

Sa kanyang video post sa social media, minaliit ng batang Duterte ang tapang ni Torre at sinabing nagtatapang-tapangan lamang ito sapagkat nakapuwesto siya.

Dito na hinamon ni Baste sa isang mano y mano si Torre.

“A credible source told me last night, the CEO of a popular resort casino hotel, a well-known philanthropist is willing to open their ballroom for the ‘charity boxing match” between Nick Torre and Baste Duterte,” ayon kay Lacson na dati ring PNP chief.

Dagdag niya: “For the sake of the many poor flood victim’s, let’s do it!”

Tila naman game ang dalawang nagbabangayan sa social media sapakat pareho itong naghahanda sa laban.

May lumabas umanong video sa social media na ipinapakitang seryosong nag-eensayo ng boksing si Baste.

May schedule sana mag-ensayo si Torre bandang 9 am nitong Huwebes (Hulyo 24) si Torre, ngunit kinansela ito dahil sa patawa na meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“The boxing practice of the chief PNP was postponed as he is expected to attend a meeting with the President at 9:30 am at Camp Aguinaldo,” pahayag ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo.

bottom of page