

“Malinis ang konsensya ko” - solon na nahuling nanonood ng online sabong
.webp)
“Malinis ang konsensya ko” - solon na nahuling nanonood ng online sabong
7/31/25, 11:47 AM
Hindi nababalisa si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa viral na video sa social media kung saan nahuli siyang nanonood ng “online sabong” sa plenaryo noong Lunes (Hulyo 28), araw ng State of the Nation Address.
Bagamat umaani ng dagsang kritisismo at panlalait, nanininigan si Briones na wala siyang masamang ginawa. Handa rin siyang harapin ang imbestigasyon ng Committee on Ethics sa nangyari.
“Malinis ang konsensya ko,” diin ni Briones habang pinasisinungalingan niya ang paratang na nago-online sabong siya noong nakunan ng video.
Ipinaliwanag niya na sinilip lamang niya ang video na pinadala ng kanyang pamangkin noong panahon na mahagip siya ng camera ng Lower House media.
Sa mga techie, naniniwala rin sila na hindi nagsusugal si Briones nga mga sandaling iyon ngunit siya ay nanonood ng sabong.
Ayon kay Briones, nahihiya siya sa nangyari sapagkat nadamay pati ang Kamara de Representante at ang AGAP partylist sa kontrobersiya.
“Ang interest ko lang ay itama ang maling akusasyon laban sa akin at linisin ang pangalan ng AGAP partylist at House of Representatives,” paliwanag ni Briones.
Aminado ang beteranong mambabatas na nadungisan ang kanyang reputasyon ngunit ito ay dahil sa maling sapantaha ng mga nakapanood ng video sa social media.
