top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Payo ng CBCP sa mga Katoliko: Mag-hunos dili sa suporta sa diborsiyo

Photo from arianalaw.com

7/17/24, 5:47 AM

“Maghunos-dili muna tayo at mag-isip-isip.”

Ito ang payo ng mga obispo sa mga Katolikong tila nakukumbinsing sumuporta sa panukalang batas na isa-legal na ang diborsyo sa bansa.

Sa isang pastoral letter na binasa noong Huwebes (Hulyo 11), iginiit ng mga lider ng simbahang Katoliko sa bansa na dapat mapagtanto ng mga Pilipino ang magiging kahihitnaan ng relasyon ng mag-papamilya sakaling payagang ng pamahalaan na gawin legal ang diborsyo.

“The Tagalog expression ‘maghunos-dili muna tayo at mag-isip-isip’ is probably the most appropriate exhortation to those who are too eager to come up with an Absolute Divorce Law in ouc country,” paliwanag ng mga obispo.

Idiniin ng kaparian na magiging madali para sa mga mag-asawa na lusawin ang kanilang kasal tuwing nanaisin nila ang ganito.

Pinayuhan nila ang mga nagsisimba na alamin sa kanilang sari-sarili kung ang diborsiyo ba ay magsisilbi sa pinakamahusay na interes ng pamilya at lipunan.

Hindi tamang madaliin ang pag-uusap at pag-desisyon sa napakahalagang paksa na tulad ng divorce upang maki-uso lamang mga mamamayan, paliwanag nila.

Ayon sa mga obispo, dapat pag-isipan ng malalim ang isyu lalo pa’t ang Pilipinas ang natitirang bansa sa mundo na hindi kumikilala sa diborsyo.

Inanyayahan nila ang mga mamamayan na i-konsidera ang mga istatistika ng ibang mga bansa na nagsasaad na may 48% ng unang kasal ang bigo subalit higit na mataas sa ikalawa (60%) at ikatlong kasal (70%) ang nauuwi sa diborsyo.

“Are we sure we want our families to become part of this grim statistics?” tanong ng mga obispo na kasapi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page