

FAITH AND RELIGION
Mga kabataang INC nagtagisan ng kaalaman sa Bible Quiz sa Davao City

Photo from inctv / facebook
6/21/25, 5:18 AM
Matagumpay na naidaos kamakailan lamang ang district finals ng Tagisan ng Talino Bible Quiz na isinagawa sa Distrito ng Davao City ng Iglesia Ni Cristo.
Tinanghal na kampeon si Jubilee Bless Gonzales mula sa Malvar area. Tinalo niya sa tagisan ng kaalaman sa Bibliya ang anim pang mga kapwa kabataan sa nasabing finals.
“I feel proud and happy because I learned a lot from this event,” sinabi ni Jubilee Bless nang siya ay makapanayam ng INC media.
Lubos rin niyang ikinatuwa ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at mga bagong karanasan mula sa paligsahan.
Nagdasal ding siya upang mabigyan ng gabay sa timpalak na sinalihan.
Ayon naman sa isa pang finalist na si Dan Maven Cantorino, pinaghandaan niyang mabuti ang pagsali sa finals.
Binati ang mga nasa likod ng Tagisan ng Talino Bible Quiz dahil sa matagumpay na pagsasagawa nito. (Balita mula sa INC FB page)