top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo sa Misa ni Pope Francis

9/11/24, 7:39 AM

Halos kalahati ng 1.34 milyon na populasyon ng East Timor ang dumalo sa misa na pinangunahan ng bumibisitang Pope Francis sa Dili noon Lunes (Setyembre 10).

Bagamat 300,000 lamang ang kabuuan ng mga Katolikong nagpa-rehistrong dadalo sa misa, umabot sa 600,000 mga East Timorese ang dumagsa sa venue malapit sa kapital ng bansa.

Hindi nagpaawat ang mga tao sa pagdalo sa Misa sa Esplanade of Taci Tolu, malapit sa Dili.

Ayon sa impormasyon mula sa pamahalaan, pinakamalaki na sa kasaysayan ng bansa ang dami ng tao na dumalo sa Misa.

Tinapos ng Santo Papa ang tatlong araw na pagbisita sa bansa na may ikalawang pinakamaraming Katoliko sa Asya. Ang Pilipinas ang may pinakamaraming populasyon ng Catholic faithful sa rehiyon.

Kanina (Setyembre 11), lumipad na si Pope Francis patungo sa Singapore at inaasahang nandoon na siya bandang 2:30 pm ng Miyerkules. Inaasahan dadagsain din ang mga naka-iskedyul na aktibidad ng Papa sa Singapore kung saan libo-libo rin ang mga Pilipinong Katoliko.

Sa Timor Leste, nakadaupang palad din ng Catholic leader ang may 3,000 kabataan na nagpulong sa Convention Centre sa Dili.

Idiniin ng papa ang halaga ng kalayaan, pagigiing matapat sa pangako at pagkakapatiran. Inanyayahan niya ang mga kabataang Timorese na gamitin ang kanilang kalayaan na isang oportunidad upang makagawa ng kabutihan sa kapwa.

Tinatayang 95 porsiyento ng mga mamamayan ng Timor Leste ay mga Katoliko.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page