

FAITH AND RELIGION
CBCP nagbabala laban sa ‘mapanlinlang’ na People’s Initiative signature drive

Photo from cbcpnews.net
2/1/24, 12:30 PM
Nagbabala ang mga obispong Katoliko sa mga mananampalataya na huwag magpabiktima sa umanoy “mapanlinlang” na People’s Initiative signature drive upang amyendahan ang 1987 Saligang Batas.
Sa isang Pastoral Letter na ipinalabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong Miyerkoles (Enero 31) sinabi ng mga lider Katoliko na ang PI campaign ay magbebenepisyo lamang sa makasariling interes ng mga pulitiko na magsasamantala lamang sa bayan.
Sa Pastoral Letter na binasa sa lahat ng simbahang Katolika, retorikong itinanong ng CBCP ang mga Katoliko ng “Is that good?” (Tama ba ito). Ito ay matapos na mapagalaman ng mga kaparian na ang lagda sa PI petition ay hindi umano nagmula sa “careful study and discussion” ng mga lumagda.
"Hindi ito simpleng pirma. Sa pagpirma mo, binibigyan mo ang ating mga mambabatas ng kapangyarihan na baguhin ang ating Konstitusyon.. Bagaman maaaring ang talakayan ay nakatuon sa mga aspeto ng ekonomiya, inaamin mismo ng mga senador ang posibilidad ng mas malawakang pagbabago kung magtagumpay ang People's Initiative na ito," sinabi ng CBCP sa pangunguna ng pangulo nito na si Pabloi Virgilio David, obispo ng Kalookan.
Ang pahayag ng samahanng 125 obispo ay inilabas dalawang araw matapos ang kanilang bi-annual na plenary assembly sa Maynila, kung saan tinalakay nila ang iba't ibang isyu ng Simbahan at sosyo-pulitika.
Ang pahayag na may pamagat na "Ano ang Maganda?" ay nagtataglay ng sanggunian mula sa ika-sampung kabanata ng Ebanghelyo ni Marcos, kung saan sinabi ni Kristo sa mayamang tao na "Wala ngang may mabuti kundi ang Diyos lamang" at iniutos sa kanya na "alamin ang mga utos."
Ayon sa mga obispo, ang 1987 Konstitusyon ay “ginawa upang siguruhin ang kagalingan ng bawat mamamayang Pilipino.
Ipinaliwanag nila na ang saligang batas ay isinulat noong “madilim na yugto” ng kasaysayang ng Pilipinas, patukoy sa martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na ama ng kasalukuyang presidente.
Para sa CBCP ang 1987 Saligang Batas ang tanging "maka-Diyos, maka-Pilipino, maka-Mamamayan, maka-Mahirap, maka-Buhay, maka-Batas, maka-Pamilya, maka-Kasal, maka-Karapatan ng Tao,maka-Kababaihan, at maka-Kalikasan" na batas ng bansa.
Bagamat nagdesisyon na ang Commission on Elections na pansamantalang itigil ang pagtanggap ng mga pirma na kinokolekta ng mga tagasuporta ng charter change, ang mga tao "ay hindi dapat maging kampante, dahil maaaring magkaroon ng iba't ibang pagtatangkang gawing itong Charter Change."
Matapos na sumanggunni sa mga eksperto, nabatid ng CBCP na ang Konstitusyon ay hindi tunay na sagabal sa progreso at hindi kinakailangang gawing pagbabago sa Saligang Batas para sagutin ang mga aspeto ng ekonomiya.
“Our prayer is that we will not sign or agree to any petition without careful discernment, discussion and prayers,” diin ng mga obispo.