top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

POLITICS

Sa gitna ng krusada kontra korapsyon
LACSON DUMAMI ANG KAAWAY

2/16/26, 8:09 AM

SENADO, Lungsod ng Pasay — Sa estima ni Senador Panfilo 'Ping' Lacson, sa kasalukuyang situwasyon ay sadyang nabawasan ang bilang ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang krusada para sa katotohanan at paglaban sa katiwalian.

Ayon sa Senate President Pro Tempore, marami sa dati niyang mga kasamahan ang hindi sang-ayon sa kanyang paninindigan kaya maituturing niyang mga 'kaaway' ang mga ito.

Nilinaw ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at beteranong mambabatas na hindi naman ito kabawasan sa kanya dahil ang kanyang adhikain ay maglingkod sa publiko at itaguyod ang tama, hindi ang mali.

Gayun pa man, hinayag niyang ikinalulungkot na may kapalit ang kanyang krusada laban sa katiwalian dahil may mga nawawala siyang kaibigan at bagong nagiging kaaway dulot nito.

Binanggit niya ang kanyang pamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee sa pag-imbestiga ng mga iregularidad sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan, partikular na sa flood control, na kung saan iginiit niyang dapat nakabatay lamang sa mga katotohanan at ebidensiya ang imbestigasyon dito.

Pinunto niya, naranasan na rin niya ang katulad na situwasyon noong 2003 nang ihayag niya ang kanyang 'living-without-pork” privilege speech na naglalayong ipawalang-bisa ang sistema ng pork barrel o paggamit ng pondo ng gobyerno sa mga lokal na pangangailangan.

“Déjà vu. When I took the chairmanship of the Senate Blue Ribbon Committee, I knew I could lose some friends and create new enemies. I had exactly the same feeling when I delivered my ‘Living-Without-Pork’ privilege speech in March 2003,” ginunita ni Lacson.

Isang hayagang kritiko laban sa katiwalian, paulit-ulit niya nang nilantad ang mga kaso ng korapsyon, kabilang ang mga kuwestyonableng pagsingit sa pambansang budget na tinaguriang ngayong mga 'insertion'.

bottom of page