top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

POLITICS

ICC pinayagan mga Filipinong abogado sa pag-usig kay Duterte

2/21/26, 7:45 AM

Tinanggihan ng International Criminal Court ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na diskwalipikahin ang mga abogado ng mga biktima sa war on drugs case sa paglilitis ng kaso.

Sa desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber papayagan nito ang mga external legal representatives ng mga biktima na makilahok sa court proceeings dahil walang sapat na dahilan upang tanggihan ang kanilang representasyon.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang Office of the Prosecutor hinggil sa hiling ng mga abogado ni Duterte.

Noong Pebrero 11, naghain ng mosyon ang Duterte camp upang ipawalang bisa ang pagtalaga kina Attorney Joel R. Butuyan, Gilbert T. Andres at Nicolene S. Arcaina upang maging abogado ng mga biktima ng madugong war on drugs ni Duterte sa Pilipinas.

Ayon sa Duterte lawyers, may conflict of interestat iba pang mali sa ganitong pagtalaga.

The naging desisyon ng ICC ay sang-ayon sa Rome Statute na nagbibigay ng karapatan sa mga biktima na magkaroon ng sariling abogado sa paglilitis.

Naghahanda na ang ICC para sa confirmation of charges hearing na gaganapin sa Pebrero 23 hanggang 27 sa The Hague.

Sa kabila ng pagtutol ng prosekusyon, pinayagan nito si Duterte sa kahilingang huwag na siya pilitin humarap ng personal o sa on line habang may ginagawang paglilitis.

Sa paglilitis ng ICC-PTC, aalamin ng korte kung mayroon sapat na ebidensya upang ituloy ang kaso ng crimes against humanit laban kay Duterte na umanoy utak sa malawakang patayan noong ipatupad ang kanyang war on drugs.

bottom of page