top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

POLITICS

₱375-M pinababalik sa OVP kaugnay ng iregular na paggamit ng Confi Funds

4/22/26, 9:00 AM

DILIMAN, Lungsod Quezon — Inatasan
ng Commission on Audit (CoA) ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President 'Inday' Sara Duterte-Carpio na ibalik bilang refund ang aabot sa ₱375 milyong confidential funds na umano'y ginasta ng may mga paglabag sa government spending rules.
Naglabas ang CoA ng notice of disallowance na sumasakop sa tatlong cash advance na nagkakahalaga ng ₱125 milyon bawat isa, na lahat ay na-release noong 2023. Ang mga dokumento na pinagbasihan ng kautusan ay isinumite ni Bicol Saro party-list representative Terry Ridon.
Bukod kay VP Duterte, kabilang sa sinasabing may sala sa nasabing usapin ay ang special disbursement officer ng OVP na si Gina Acosta, chief accountant Julieta Villadelrey at Colonel Raymund Dante Lachica, na siyang namumuno sa Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG).
Sa iregular na paggamit ng confirm funds, tinukoy ng mga state auditor ang kawalan ng sapat na supporting records para sa ₱62 milyong nakalaan sa intelligence-gathering operations ng tanggapan ng pangalawang pangulo.
Kinuwestyon din sa audit ng CoA ang ₱199 milyong ginasta para sa supplies at aid distribution ng OVP na walang kalakip na mga resibo o sales invoices. Sa halip, tanging mga acknowledgment receipts lang ang prinisinta na sadyang kulang sa mga standard auditing requirement.
Batay sa government auditing rules, naglakabas ang CoA ng notice of disallowance kapag napagalamang ginastos ang public funds nang may paglabag sa itinakdang mga regulasyon sa government spending.

bottom of page