NEWS
UN body papahalagahan kapakanan ng mga babaeng senior citizens

3/4/26, 12:51 PM
Ni Ralph Cedric Edralin
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng United Nations, nagpakasunduan sa UN Commission on the Status of Women (CSW) na mag-focus ng husto sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay sa kasarian at pag-empower sa nakatatandang kababaihan.
Ayon sa mga ekperto, ang ganitong pagpapahalaga sa mga senior citizens na kababaihan ay matagal nang inaasam.
Matapos ang 70 taon sa paghubog ng pandaigdigan prayoridad para sa gender equality, direktang binigyan pokus ang mga naktatandang kababaihan.
Kadalasan, ayon sa mga observers,ang UN CSW ay nagbibigay ng mataas na halaga sa kapakanan ng mga batang babae o iyong mga nasa productive age na.
Ngunit madalas umano nalalagpasan ang mga senior citizens.
Ikinatuwa ng HelpAge global network ang nangyari sa parating na CSW70 sapagkat nasa sentro na ng usapan ang mga lola.
Ipinaliwanag ng grupo na sa kasalukuyan, higit sa 25 porsiyento ang populasyon ng mga kababaihang nagkakaedad na 50 at pataas.
Sa darating na 2050, inaasahan umabot sa 35 ang dami nila sa kabuuang porsiyento ng mundo.
Matatandaang sa Beijing Declaration may 30 taon na ang nakakaraan, kinilala ang mga hinaharap na hamon ng mga matatandang mga babae tulad ng kahirapan, mahinang kalusugan, diskriminasyon at karahasan.
Ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natutuunan ng pansin ng mga pamahalaan sa mundo ang ganitong mga problema.
Sa CSW70, umaasa ang mga grupong sumusuporta sa elder women na maitutulak na sa mga darating na bansa ang paghahanap ng solusyon sa mabibigat na suliranin ng mga babaeng senior citizens.
