top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Tinuligsa pag-iwas ni Marcos sa pagsuspinde ng excise tax sa krudo, gasolina

4/14/26, 11:00 AM

Katulad ng maraming mga Filipino, ikinagalit ng Makabayan bloc ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihin ang pagsingil ng pamahalaang ng excise tax sa nagmahal na presyo ng krudo at gasolina.

Sa isang pahayag, itinuring ng mga kongresistang kabilang sa bloke na isang “publicity stunt” lamang ang pagsuspinde ni Marcos ng excise tax sa LPG at kerosena.

Bagamat binigyan ng Kongreso ng kapangyarihan upang suspendihin o bawasan ang malaking halaga ng buwis na ipinapataw sa pagbenta ng mga produktong petrolyo, hindi ito ginamit ni Marcos.

Nananatili ang excise tax collection para sa mga diesel ang gasolina na lubhang umalagwa dahil sa tensyon sa MIddle East.

Nagtaka ang maraming mambabatas sa naging desisyon na ito ng administrasyon ni Marcos na nangakong pagagaanin sa publiko ang mabigat na dagok ng pagtaas ng mga produktong petrolyo.

“We view President Marcos Jr.’s announced removal of excise tax on LPG and kerosene as a calculated, token gesture that avoids the biggest and most urgent issues driving the pain at the pump and across the economy: the excise tax on diesel and gasoline, and the huge VAT imposed on petroleum products,” ayon sa Makabayan bloc.

Ang ginawa umano ni Marcos ay isang “pakitang tao” lamang sapagkat iniwasan lamang niya ang pinagmumulan ng patuloy na inflation sa bansa.

“Iniisantabi ang excise tax sa diesel at gasolina, at ayaw pa ring harapin ang problemang VAT sa langis na tuloy-tuloy na nagpapamahal sa pamasahe, kuryente, at bilihin,” sinabi ng mga progresibong mambabatas sa Kamara.

Dagdag ng mga kongresista: “Nililinlang ang publiko sa “agarang ginhawa” habang pinapahintulutan ang mga oil company na ipagpaliban ang bawas-presyo. Binubuhat ng mamamayan ang gastos habang binibigyan ng palugit ang malalaking kumpanya.”

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page