

LATEST NEWS
Tarriela dinipensa ni Goitia laban sa mga akusasyon ni Paglinawan

4/8/25, 9:57 AM
Ni Tracy Cabrera
MALATE, Maynila — Ano pa nga ba ang maitatawag sa pag-aresto ng tatlo nating kababayan sa Tsina bilang mga espiya kundi pagganti ng pamahalaan ng Beijing sa pagkakadakip din ng ilan nilang mamamayan dito sa Pilipinas na sa mga nakumpiskang kagamitan dito ay tunay na tinuturong sila ay mga espiya at hindi ang ating mga kababayan.
Sinabi ni National Security Council (NSC) spokesperson Jonathan Malaya na ang mga paratang na espionage laban sa tatlong Filipino ay maaring pagbuwelta sa pagkakaaresto ng ilang mga espiya mula sa Tsina ng mga awtoridad dito sa Pilipinas.
Kaya nga hinihiling ng ating pamahalaan na bigyan ang tatlong inaresto ng Pinoy ng 'due process' dahil karapatan nila ito at ang totoo'y ang mga naaresto ay mga dating benepisyaryo ng Hainan government scholarship program na itinatag sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng nga lalawigan ng Hainan at Palawan.
Suportado naman ang nasabing kahilingan ng ilang mga cause oriented group na nagsabing kailangang matiyak na mabibigyan ng katarungan ang tatlong Pinoy bukod sa maayos na pagtrato at pag respeto sa kanilang mga karapatan habang nakapiit sila sa Tsina.
Hinihiling din na dapat ay palayain na ang tatlong dahil kung sisiyasaring maigi, wala namang tunay na ebidensya para matukoy silang mga espiya o tiktik dahil ang sinasabing mga ahensya ng Philippine Intelligence Agency o Philippine Spy Intelligence Services ay gawa-gawa lamang at hindi totoong mga ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa gitna ng matinding tensyon sanhi ng pambu-bully ng Beijing, hinimok ni Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list first nominee Dr. Jose Antonio 'Ka Pep' Goitia ang buong sambayanan na maging mapagmatiyag para mabantayang maigi ang ating seguridad at mapanindigan ang ating dignidad bilang malayang bansa na may sariling kasarinlan na dapat ipagsanggalang laban sa panghihimasok ng mga dayuhan.
Mariing idinipensa ng ABP, kasama ang Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) and Filipinos Do Not Yield ( FDNY) Movement, si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela laban sa mga batikos mula kay dating press attache Ado Paglinawan, na inakusahan si Tarriela at ang iba pang mga national security official na naiimpluwensyahan ng Estados Unidos sa pagiging lufsl ng pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS). Ang deklarasyong ito ni Paglinawan ay hindi lamang iresponsable kundi nakakasira din sa ating pambansang seguridad.
Matibay ang pagdepensa ni Goitia kay Tarriela na kanyang inilarawan bilang isang opisyal ng militar at pamahalaan na mayroong matibay na integridad at kredibilidad at handang ibuwis ang Buhay para ipagsanggalang ang ating bansa.
"Commodore Tarriela is not only a spokesperson but a true Filipino who has consistently shown courage in asserting our sovereignty," dagdag ng unang nominado ng ABP party-list.
Kinuwestyon din niya as Paglinawan sa paulit-ulit nitong pag-invoke ng sinasabing mga kaugnayan ni Tarriela kay U.S. Air Force officer Ray Powell, na walang batayang binansgan ni Paglinawan bilang handler ng opisyal ng PCG.
"This is an unjust form of character assassination. In fact, with the upcoming (House) Tri-Commitee hearing on the West Philippine Sea scheduled next week, Tarriela us set to challenge Paglinawan to attend and defend his statement in a formal setting,
Tiniyak ni Goitia na patuloy ang magiging pagsuporta nila at handa silang magdemostrasyon sa kalsada para isulong ang tama kung kinakailangan.
Sacpagbalik sa tatlong inaresto ng Pinoy sa Tsina kinatigan ng ABP ang mga ito ba pawa umanong mga ordinaryong mamamayan lang at walang katiting na bahid ng pagiging mga espiya sila.