top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Tapyas presyo sa gasolina hindi matutuloy; pataas na price trend tuloy

Photo from philstar.com

2/23/26, 7:47 AM

Ni Samantha Faith Flores

Dagdag presyo, sa halip na prediksyon ng tapyas gastos, ang sasalubong sa mga motoristang gumagamit ng gasolina para sa kanilang mga sasakyan.

Ito ang kinumpirma nitong Lunes (Pebrero 23) ng Seaoil na nag-anunsyo ng PhP1.20 na dagdag sa presyo per litro ng krudo at kerosina.

Aabot naman sa PhP0.60 ang itataas ng bawat litro ng gasolina.

Ito na ang ika-siyam ng dire-diretsong paglayag ng presyo ng krudo at kerosena  sa bansa simula nang magsimula ang taong 2026.

Ika-pitong linggo ng dagdag presyo naman ito para sa gasolina.

Noong isang linggo naniwala ang mga eksperto sa paggalaw ng presyo ng produktong langis na magbababa ang gasolina ngayon Martes.

Hindi mangyayari ito sapagkat patuloy na dumidikta sa pataas ng mga halaga ang patuloy na tensyon sa Middle East at ang digmaan ng Ukraine at Russia.

“Concerns over military activities in the region have  increased the likelihood of US strakes on Iran and decreased the prospect that the conflict will be resolved through diplomatic means,” paliwanag ni Leo Bellas, pangulo ng Jetti Petroleum.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page