NEWS
Sa wakas ‘FPJ’s Batang Quiapo’ magwawakas na?

2/20/26, 3:11 PM
Ni Samantha Faith Flores
Kinumpirma na ng primetime king Coco Martin na malapit nang magkaroon ng huling episode ang pinagbibidahan niyang “FPJ’s Batang Quiapo” na ilan taon na rin namamayagpak satelebisyon.
Ito ay ayon umano sa entertainment reporter na si MJ Felipe ng ABS-CBN, ang network na nagpapalabas ng popular na teleserye.
Kay Felipe umano inamin ni Coco na may katotohanan sa marites na tatapusin na ang kanyang pinagbibidahan.
Sinabi umano ni Coco na marami na ang umuusisa kung tutuldukan na nga ng network ang kanyang serye. Ang mga tanong ay lalong tumindi noong maipabalita na nagkakaroon ng problema ang network.
Ayon sa sikat na aktor hinihintay pa niya at kapwa empleyadokung kailan sasabihin sa kanila ng managementang tungkol sa pagwawakas ng “Batang Quiapo”.
Ngunit ang lagi naman tugon ng mga ehekutibo ng network at ituloy lang ang teleserye.
Tumindi ang hinala ng aktor na titigil na rin siya sa pagiging bidang si “TAnggol” nang malaman niya ang hangganan ng kwento.
Noong Pebrero 13, 2023 ipinalabas sa telebisyon ang kauna-unahang episode ng “Batang Quiapo.”
