top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Prosecutors hiniling na pilitin sumipot si Duterte sa pre-trial hearing

Photo from newsko.com.phnewsko.com.ph

2/20/26, 6:19 AM

Mariing tinutulan ng mga tagausig sa International Criminal Court ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na magpakita sa kanyang pre-trial hearing sa susunod na linggo.

Sa manipestasyon na pirmado ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, iginiit ng prosekusyon na ang nais ni Duterte na hindi na makilahok sa pre-trial ay pagpapakita ng paghamak ng dating lider ng PIlipinas sa awtoridad ng ICC.

Sumulat sa ICC ang abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman na hindi na nais ng kanyang kliyente na magpakita sa korte sa Pebrero 23 - 27. Hindi rin siya lalahok kahit sa online hearing.

“The prosecution respectfully requests that the Chamber reject Mr. Duterte’s request to waive his right to appear at the confirmation hearing. There is no reasonable cause for Mr. Duterte not to appear in person in court at the confirmation hearing,” ayon naman kay Niang.

Sa pamamagitan ng confirmation of charges, aalamin ng korte kung nararapat na ipagharap ng kabuuang palilitis si Duterte sa salang murder as a crime against humanity sa kanyang drug war bilang alkalde ng Davao City at pangulo ng bansa.

Ayon naman sa kanyang sulat, ipinilit ni Duterte na hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC. Kinastigo rin nito ang pag-aresto niya noong Marso 2025 bilang isang “kidnaping” na isinagawa ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Idinagdag pa ni Duterte na siya ay matanda na, pagod ang mahina kung kaya hindi na niya nais na umupo sa bista ng kaso na kanaya naman malilimutan din.

Sa anim na pahinang oposisyon, sinabi ng mga tagausig na kinumpirma na noong ng “independent panel of three medical experts” na si Duterte ay physically at mentally fit upang makilahok sa paglilits

“The fact that Mr. Duterte has started that he will not even follow the proceedings via video link demonstrates that his reasons to avoid appearing in public are not health related but rather due to his lack of respect for the court,”ayon sa mga tagausig.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page