top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Profiteers, hoarders mahaharap sa 15 taong kulong, ₱2-M multa

Sumama si Pangulong 'Bongbong' Marcos Jr. kina secretaries Francisco Tiu Laurel Jr. at Cristina Roque sa pag-inspeksyon ng mga presyo ng bilihin sa Agora Market sa San Juan. (Larawan mula sa Facebook)

3/18/26, 9:45 PM

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Sa gitna nang nagpapatuloy na giyera sa Gitnang Silangan, nagpaalala ang mga Department of Agriculture (DA) at Trade and Industry (DTI) laban sa profiteering at hoarding para magbabala sa mga retailer na ang sinumang lalabas ay mahaharap sa hanggang 15 taong pagkakakulong at multan aabot sa ₱2 milyon.

Ayon kay agriculture secretary Francisco Tiu Laurel Jr., “habang nauunawaan natin ang mga adjustment sa presyo sa panahong tumataas ang gastusin sa gasolina at transportasyon, hindi gayun din sa profiteering at hoarding.”

Habang apektado ang ekonomiya ng bansa sanhi ng sigalot sa Middle East, nagsasagawa ng mga market inspection ang kalihim kasama si trade secretary Maria Cristina Roque upang masiguro ang steady supply ng mga pangunahing pangangailangan at pagbabantay sa presyo ng bilihin.

“Ang hoarding ay isang uri ng economic sabotage kasabay ng smuggling at profiteering. Ang ganitong mga aksyon ay artipisyal na nagpapataas ng presyo at nakakasama sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda, kaya kailangan nating harapin ng may 'decisive action',” idiniin ni Laurel.

Sumang-ayon dito si Roque at nilinaw na ang illegal price manipulation—kabilang ang hoarding at profiteering—ay tutugunan ng 'strict enforcement' ng batas sa ilalim ng Price Act of 1992, o Republic Act No. 7581, na siyang nagpaparusa sa hoarding, profiteering at mga cartel activity.

Sa sektor ng agrikultura at pangingisda, isinabatas ng Kongreso noong 2024 ang RA No. 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na kung saan tinukoy ang mas malawak na hanay ng produkto, kasama ang bigas, mais, karne ng baka, baboy at poultry, bawang, sibuyas, carrot, mga prutas, isda, asin, palm oil, asukal at tabako.

“These illegal practices will not be tolerated,” pinunto ng kalihim habang tiniyak sa publiko na mayroong sapat na supply ang bansa ng basic goods na about sa dalawang buwan, batay sa impormasyon mula sa mga manufacturer.

“To ensure prices remain at 'reasonable' levels amid the crisis, (we will be) intensify(ing) price monitoring through (our) 18 regional offices nationwide,” aniya.

Bilang konklusyon, hinayag ng dalawang opisyal na mahigpit ang ginagawa nilang monitoring at kung kinakailangan, handa silang magtakda ng price cap o price ceiling kung mayroong pag-aabuso sa situwasyon.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page