top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Presyo ng langis tataas ngunit di sigurado kung magkano

3/4/26, 12:00 PM

Ni Samantha Faith Flores

Wala pang kasiguruhan kung magkano ngunit inaasahan na ang dagdag presyo ng mga produktong langis sa darating na linggo.

Ayon sa Department of Energy wala pang katiyakan ang tinatantiyang taas ngunit hindi naman malaman kung kelan huhupa ang tensyon sa Middle East na siyang nagiging dahilan ng patlipad ng halaga ng gasolina, krudo at kerosina.

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin nitong Martes (Marso 2) na may posibilidad na umabot sa PhP10 kada litro ang fuel hike ngunit gagawa ng paraan ang pamahalaan upang mabawasan ang matinding epekto nito sa publiko.

“We met with the oil companies and they assured us na sufficient yung supply nila and they have enough time to order for some more kapag kumunti na,” sinabi ni Garin.

Nangako rin ang mga kumpanya ng langis na susuportahan ng mga ito ang staggered price hikes.

Plano ng pamahalaan nag magpatupad ng unti-unting dagdag presyo kung PhP10 o lagpas pa dito ang itataas.

Inaasahan din na ipatupad ang probisyon ng TRAIN law na hindi na maniningil ng excise tax ang pamahalaan upang makatulong sa publiko.

“Mag-increase tayo next week, Tuesday,” ayon kay Garin.

Ipinaliwanag ni Garin na halos 80 hanggang 90 porsiyento ng produktong langis ang kailangan dumaan sa Strait of Hormuz na kontrolado ngayon ng Iran.

Nagbabala ang Iran na bobombahin nito ang lahat ng mga barkong may kargamentong langis na magsu-suplay sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page