NEWS
Pirma na lamang ni Marcos ang kulang upang sa pagsuspinde ng fuel excise tax
.webp)
3/18/26, 9:29 AM
Ni Tracy Cabrera
BATASAN, Lungsod Quezon — Pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kinakailangan upang tuluyan nang maging batas ang panukalang bigyan siya ng kapangyarihan suspendihin ang paniningil ng fuel excise tax.
Ito ay napag-alaman matapos na magdesisyon ang Mababang Kapulungan na i-adopt ang bersyon ng Senado ng panukalang batas upang mapababa ang presyo ng mga produktong langis sa pamamagitan ng pansamantalang pagtanggal ng excise tax.
Parehong pumasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara at sa Senado ang nasabing bill.
Dahil dito, hindi na kakailanganin pang idaan sa diskusyon ng bicameral conference committee ang bills na pareho naman ang nilalaman.
Inaasahang agarang ipa-enroll na sa Palasyo ang bill para sa pirma ng pangulo at nang maisabatas na ang bill.
Sa pahayag sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkules (Marso 18), sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nagpasya nga ang Kamara na amyendahan ang bersyon ng mababang kapulungan sa pamamagitan ng pag-adopt ng SEnate Bill 1982.
“That foregoes the bicam,” ayon kay Sotto.
“Automatically the enrolled copy will be sent to the president,” dagdag pa ng senador.
Pumasa na sa ikatlo't huling pagbasa sa Kamara de Representante ang panukalang magbibigay ng special power kay Pangulong Marcos upang pansamantalang suspindihin ang fuel excise tax sa gitna ng tumataas na presyo ng langis sanhi ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Lumusot ang panukala sa botong 247 pabor at 3 kontra kaya agad na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang House Bill 8418 na nagpapaloob ng maraming panukalang batas mula sa mga kongresista.
Sa ilalim ng nasabing bill, aamyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code of 1997 upang payagan ang pamahalaan na pansamantalang alisin ang fuel excise tax sa mga produktong petrolyo ngayong panahon ng krisis sa pandaigdigang merkado ng langis.
Samantala, bumoto laban sa panukala si Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, na nagsabing walang garantiya na bababa ang epekto ng mataas na presyo ng langis kahit suspindihin ang fuel tax.
Nanindigan din sina Rep. Elago at Kabataan Party-list Rep. Renee Co na ang suspension ng fuel excise tax ay “short-term fix” lamang, at iginiit na dapat tuluyang alisin ang VAT at excise tax sa langis
