top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

PCG handa na sa Semana Santa

Photo attachment: PCG-Admiral-Ronnie-Gil-Gavan.jpg.webp
PCG commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan. (Larawan mula sa Bombo Radyo News)

3/28/26, 10:00 AM

Ni Tracy Cabrera

PORT AREA, Maynila — Ngayong Semana Santa, sana'y mangiling na—o mas mabuti kaya itigil na—ang mga gawaing masama, partikular na sa ating mga opisyal ng ating gobyerno na umaabuso sa kanilang kapangyarihan at puro pansariling pakinabang at interes ang prayoridad.

Kaya ng papuri ang inaani ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil handang-handa na ito para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Ayon sa PCG, mula Marso 28 hanggang Abril 5, 2026 ay magde-deploy sila ng humigit-kumulang 17,000 personnel upang umalalay sa mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang lalawigan.

Ipinag-utos ni PCG commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang paghihigpit sa pre-departure inspection sa mga pantalan upang maiwasan ang overloading ng mga barko.

Sinabi naman ni Commodore Noemie Cayabyab, tagapagsalita ng PCG, posibleng umabot sa halos tatlong milyong pasahero ang dadagsa sa mga pantalan kung magiging maayos ang panahon sa buong linggo ng Semana.

Katumbas ito ng bilang ng mga biyaherong naitala noong nakaraang taon sa gayun ding panahon.
Dagdag pa ni Cayabyab, maaga nang itinaas ang alert level ng PCG upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa panahon ng Kuwaresma.

Ayon sa mga tagamasud, sana raw ay ganito kahanda ang ibang ahensya ng gobyerno patungkol sa kanilang mandato at mga tungkulin.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page