NEWS
Panic buying nagsimula na: oil price hike sisipa sa PhP24/litro

Photo from www.philstar.com
3/9/26, 10:00 AM
Ni Ralph Cedric Edralin
Libo-libong motorista ang dumagsa sa mga gasoline stations simula Linggo pa lamang matapos na mabatid na sisipa mula PhP17.00 hanggang PhP24.00 ang dagdag presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes (Marso 10).
Dahil dito maraming mga istasyon ang napilitang magtakda ng hanggang 20 litro lamang ang maximum na pwedeng ikarga sa tangke ng bawat sasakyan.
Sa obserbasyon ng mga motorista, nakapagtatakang higit na mababa ngayon ang presyo ng mga produktong langis sa major player na Petron kumpara sa dating mababa na halaga sa mga independent companies.
Sa isang press conference, ipinaliwanag ni Energy Secretary Sharon Garin na dahil sa laki ng idadagdag na presyo ng mga produktong petrolyo, gagawin staggered basis ang pagtaas sa linggong kasalukuyan
Samantala nagpasya na si Pangulong Ferdiannd Marcos Jr. na pormal nang hilingin sa Kongreso na bigyan siya ng kapangyarihan upang ibaba ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, hindi na maaaring maging awtomatiko ang pagbawas o pagsuspinde ng excise tax dahil sa palalang fuel crisis sapagkat ang kapangyarihang ito ay natapos noong 2020 pa.
Ayon sa TRAIN law magiging automatic ang suspensyon ng excise taxes kung tataas sa $80 per barrel ang presyo ng petrolyo, ngunit ito ay maaaring gawin lamang hanggang 2020.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na ang hiling na emergency powers ni Marcos ay gagawin para sa kanya ng Department of Energy ngayon Lunes (marso 9).
Nanawagan ang pangulo ng pagkakaisa ng mga Filipino sa gitna ng patuloy na lumalalang krisis sa Middle East na sanhi ng digmaan ng Israel at Estados Unidos laban sa Iran.
