top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

NEWS

Pangamba ng US-Iraq war muling nagtutulak ng oil price hike

2/28/26, 6:15 AM

Ni Annietha Fae Mar

Ang pinangangambahang pag-atake ng US sa Iran ang naging dahilan ng muling pagtaas ng presyo ng mga produktong krudo sa darating na linggo.

Tinatantiyang aakyat sa PhP1.60 bawat litro ang iaakyat ng mga presyong langis sa Pilipinas.

Sa ikalawang araw ng buwan ng Marso, sasalubong sa publiko, higit sa mga motorista, ang dagdag presyo ng mga produktong langis na kamakailan lamang ay nagsitaasan.

Tatlong porsiyento ang inilundag ng halaga ng presyo ng krudo samantalang nagkaroon ng panibagong paguusap ang Iran at Amerika sa pag-asang maiwasan sana ang giyera.

“With the US having called on its citizens to leave Israel and Iran, the threat of an attack on the Islamic Republic of Iran has dramatically risen, pushing the oil price to a seven month high,” paliwanag ng batikang analyst Axel Rudolf.

Inflation naman ang idinulot ng nerbiyos ng mga mangangalakal sa pinangangambahang digmaan.

Ayon naman sa abiso ng Jetti Petroleum president Leo Bellas, ang krudo sa bansa ay aabot sa 80 sentimo hanggang PhP1 ang itataas sa darating na Martes.

Samantala, ang gasolina ay maaaring magkaroon ng dagdag presyo na PhP1.40 hanggang PhP1.50 bawat litro.

Ang dagdag presyo ay magiging iika-walo nasa para sa krudo at ika-sampu na para sa gasolina simula ng pagpasok ng taong 2026.

“The risk of war between the US and Iran remains the key driver supporting crude oil prices. With negotiations still unresolved and both sides signaling readiness to escalate, the risk of a disruption-driven spike is keeping prices elevated,” ayon kay Bellas.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page